1.Kahulugan Ng Panitikan , 2.Anyo Ng Panitikan , 3.Uri Ng Panitilan
1.Kahulugan ng panitikan
2.Anyo ng panitikan
3.Uri ng panitilan
Answer:
Explanation:
ang malayang ensayklopedya, ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan,mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na ng tuwiran , tuluyan o patula.
Ang salitang panitikan ay galling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an." At sa salitang titik naman ay nangangahulugang literature, na ang literatura ay galing sa salitang Latin na litterana nangangahulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan, kultura at pananampalataya at mga karanasang may kaugnay na iba't-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, katungkulan, pag- asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Kasama sa pag-aaral ng wikang Ingles at Filipino sa mataas na paaralan ang Panitikan at Literature sa Ingles. Isinama ito ng Department of Education (DepEd) upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan, upang matalos natin na tayo'y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensiya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba't-ibang mga bansa, upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito, upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad, bilang Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo, higit kaninuman ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Katulad ng mga maraming banyagang kabihasnan mayroon ng panitikan sa Pilipinas noong unang panahon. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sarisaring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkakaagwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon ng sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng mga sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga kastila. Nangabulok naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili ng panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit. Gumagamit din sila ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, dahon, balat ng puno at matutulis na bagay naman para sa panulat at kahoy bilang sulatan. Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang panahon ay ang alamat, kuwentong-bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain at bugtong.
Comments
Post a Comment